Grupong PISTON, idinaan sa protesta ang pagtuligsa sa panibagong big time oil price hike

Nagsagawa ng protesta ang grupong Piston sa harap ng isang gasoline station malapit sa main office ng Land Transportation Office o LTO at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa East avenue, Quezon City.

Naglabas ang mga lider ng piston ng kanilang hinaing sa pamahalaan at pagkondena sa panibagong big time oil price hike.

Umabot sa P2.10 ang itinaas ng presyo sa kada litro ng diesel habang P1.50 naman ang itinaas ng presyo sa kada litro ng gasolina at P1.20 naman sa kada litro ng kerosine.


Ayon sa mga lider ng gruo, aabot sa P7.25 ang itinaas ng presyo sa kada litro ng diesel.

Nasa P5,000 na umano ang nawawalang kita ng mga tsuper mula sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at sobrang mabigat na ito.

Isinusulong ng mga transport group at grupo ng mga manggagawa ang pagbasura na sa oil deregulation law maging sa VAT sa langis na malaki ang epekto sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Facebook Comments