Grupong PISTON, muling inihirit kay PBBM na irekonsidera ang PUV Modernization Program

Naghain ng pitong puntong kahilingan ang transport group na PISTON sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kabilang sa inihihirit ng grupo ay ang pagrekonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa PUV Modernization Program (PUVMP).

Muling iginiit ng grupo na ang programa ay nakadisenyo para sa corporatization o monopolization ng small-capacity public transport.


Hamon ng PISTON kay Pangulong Marcos Jr., magpatupad ng tunay at sustenableng public mass transport system na nakaangkla sa patas na transition.

Nagsagawa ngayong araw ng mga kilos-protesta ang iba’t ibang transport kasabay ng anibersaryo ng pagkakapirma ng Omnibus Franchising Guidelines (OFG).

Facebook Comments