Grupong PISTON, nagbanta na magsagawa ng malawakang kilos protesta

Manila, Philippines – Nagbanta ang grupong PISTON na magsagawa silang ng malawakang kilos protesta sa darating na lunes June 19 bilang mariin nilang pagtutol sa pagpirma ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa Omnibus Franchising Guidelines o OFG na layon buwagin na mga lumang Public Utility Vehicles labing limang taon pataas.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo mariin nilang kinundena ang pag-phase out ng mga pampublikong pamsaherong jeep dahil ito lamang umano ang ikinabubuhay ng mga mahihirap na tsuper sa bansa.

Paliwanag ni San Mateo bukod sa pagpirma ni Secrerary Tugade sa OFG at Phase Out mariin din nilang inalmahan ang pagpapatupad umano ng Corporate takeover at control sa pampublikong transportasyon.


Matatandaan na una ng nilinaw ng LTFRB na walang mangyayaring Phase Out kundi kundi Modernazation program lamang upang mapaayos at mapaganda ang transportasyon sa bansa.

Facebook Comments