Grupong PISTON, naghain ng petisyon sa Korte Suprema laban sa DOTr at LTFRB para pigilan ang PUV Modernization Program

Naghain ng temporary restraining order sa Korte Suprema ang grupong PISTON laban sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay para pigilan ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program at ang deadline sa franchise consolidation na nakatakda sa katapusan ng taon, December 31.

Kasabay nga ng paghahain ng petitsyon ng grupo, ay nagsagawa rin ito ng kilos-protesta sa harap ng Korte Suprema.


Nakasaad sa petisyon na ang mandatory consolidation requirement ay labag sa konstitusyonal na karapatan sa freedom of association.

Kinuwestiyon din ng PISTON ang PUV Modernization Program ng gobyerno sa Korte Suprema.

Layunin ng transport group na ipagbawal ang pagpapatupad at ideklarang null and void ang mga isyu na may kaugnayan sa programa, lalo na ang mandatory franchise consolidation.

Facebook Comments