Grupong PISTON, naglatag ng tatlong kondisyon sa kanilang pagtigil sa transport strike; LTFRB, pag-iisipan pa ang ang naturang tatlong kahilingan

Bumaba o lumabas sa kaniyang opisina si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III sa lugar ng transport strike upang makadayalogo ang mga lider nito.

Sa nangyaring dayalogo, naghain ng tatlong kahilingan si PISTON National President Mody Floranda para hindi na maulit ang kanilang tigil-pasada:

• ibalik ang limang taong bisa ng prangkisa ng mga jeepney


• pagtanggal sa December 31 2023 deadline ng franchise consolidation

• pagtanggal sa memo circular para sa paggamit ng Euro 4 na sasakyan

Ayon kay Guadiz, pag-aaralan pa ng ahensya ang naturang kahilingan.

Ngayon pa lamang ay ipinahiwatig ni Guadiz na posibleng hindi mapabigyan ang pagpapabalam muli ng December 31, 2023 deadline.

Magugunita na ilang beses nang na-postpone ang implementasyon ng PUV Modernization Program na sinimulan noong 2017 na panahon pa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panig naman ng PISTON ay sinabi ni Floranda, ikokonsulta muna niya sa mga lider sa iba’t ibang lider kung tatapusin na nila bukas ang inilunsad na tigil-pasada.

Facebook Comments