Kinalampag ng grupong PISTON ang mga opisyal ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City para ipahayag ang kanilang pagtutol sa PUV Modernization Program.
Ayon kay PISTON President Mody Floranda, mistulang binase lang ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ang desisyon sa report ng LTFRB nang hindi pinag-aaralan ang programa at hindi pinakinggan ang hinaing ng ilang transport groups.
Bukod sa isinagawa nilang kilos-protesta ngayon maghahanda rin ang kanilang grupo ng malawakang kilos-protesta at magmamartya patungo sa Mendiola upang kondenahin at kalampagin ang Palasyo ng Malacañang
Una nang sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na ipagpapatuloy ang PUVMP sa kabila ng Senate Resolution na hinihiling ang suspensyon ng PUVMP dahil sa hindi aniya mapipigil ng Resolusyon ng mga Senador ang programa dahil suportado ito ni Pangulong Marcos Jr.