Grupong PISTON, nagsagawa ng noise barrage sa Pasay ngayong araw

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong PISTON sa bahagi ng Pasay, boundary ng Parañaque sa Baclaran.

Ayon sa grupong PISTON, lubos silang apektado sa korapsyon at mga nangyayari sa likod ng anomalya sa mga flood control projects ng pamahalaan.

Ipinaglalaban umano nila ang karapatan ng sambayanang Pilipino lalo pa’t tax ng ating mga kababayan ang ginagamit para sa karangyaan na kanilang buhay.

Binigyang diin din ng grupo kung bakit laging pinag-iinitan ang jeep na naghahanapbuhay ngunit bakit hindi ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang ginagawang tigil-pasada ng grupo hanggang mamaya.

Facebook Comments