Grupong PISTON, naharang ng MPD matapos makalusot sa Welcome Rotonda

Nananatiling sarado ang bahagi ng EspaƱa Blvd. mula Welcome Rotonda sa Quezon City hanggang Blumentritt, Maynila.

Ito’y dahil sa ikinakasang protesta at programa ng grupong PISTON at MANIBELA hinggil sa isyu ng Jeepney Modernization Program.

Nabatid na nahati ang grupo sa dalawa kung saan naharang ang MANIBELA sa Welcome Rotonda ng mga tauhan ng QCPD habang nakalusot ang PISTON hanggang Blumentritt kung saan dito na sila hinarang ng MPD.


Matatandaan na nagpalipas ng magdamag ang nabanggit na grupo sa Welcome Rotonda dahil hindi sila pinayagan makarating ng Mendiola.

Kaugnay nito, maraming motorista ang naapektuhan kung kaya’t kapwa nagtulungan ang MPD at QCPD para alalayan sila at payuhan na dumaan sa alternatibong ruta kung tutungo ng Maynila.

Inaasahan naman na magtatagal ang aktibidad ng PISTON at MANIBELA hangga’t hindi napapakinggan ang kanilang hinaing.

Facebook Comments