Grupong PISTON, nanawagan kay PBBM na irekonsidera ang utos nito na walang extension sa deadline ng PUV modernization

Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang grupong PISTON na irekonsidera ang nauna nitong direktiba na walang extension sa December 31 deadline ng franchise consolidation.

Umaasa si PISTON National President Mody Floranda na ramdam nila ang pagpapahalaga ni Pangulong Marcos sa sektor ng pampublikong transportasyon.

Naniniwala si Ka Mody na batid ng pangulo na hindi kalaban ang kanilang grupo.


Aniya, katuwang nila ang gobyerno sa mga programa at proyekto na magpapahinog, at magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.

Iginiit ng grupo na lalo lang mababaon sa utang ang mga tsuper at maliliit na operator, kung magpapatuloy ang PUV modernization dahil bukod sa mahal ang presyo nito ay mayroon pang interest at penalty ang mga makikiisa sa franchise consolidation.

Ikinalungkot ng PISTON na sa ilang beses nilang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan partikular sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, palagi na lang umano nilang bukam bibig na pinag-aaralan pa ang kanilang kahilingan.

Facebook Comments