Grupong Piston, nanawagan sa ilang jeepney driver na makiisa na rin sa tigil-pasada

Patuloy ang panghihikayat na ginagawa ng grupong Piston sa jeepney drivers at operators na makiisa at mahiya naman sa kanilang ipinaglalaban.

Ayon kay Cerino Latorino ng grupong Piston, lahat sila ay dapat na makiisa dahil lahat naman ay puwedeng makinabang sa kanilang ipinaglalaban.

Hindi naman daw ito pagtutol sa PUV modernization, ngunit ang gusto nilang ipaglaban lamang ay maayos at magkaroon ng short term at long term na hanapbuhay ang mga tsuper.


Sa ngayon, magkakahiwalay na nagwe-welga at nagpoprograma ang grupong Piston na sinamahan na rin ng Manibela sa isyu pa rin ng deadline sa December 31 para ma-phase out ang tradisyunal na jeepney.

Facebook Comments