Grupong PISTON, sumugod sa LTFRB bilang protesta sa desisyon ni PBBM na ipagpatuloy ang Public Transport Modernization Program

Sumugod sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa East Avenue, Quezon City ang grupong PISTON upang magkilos-protesta.

Ito ay bilang pagkondena sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng Department of Transportation o DOTr na ipagpatuloy ang Public Transport Modernization Program.

Agad na nagsara ng gate ang mga guwardiya nang makitang pasugod ang mga miyembro ng PISTON.


Inanunsyo ng PISTON na sa August 14, 2024 ay magsasanib ang pwersa ang PISTON at Manibela para sa isasagawang nationwide transport strike at transport caravan.

Kaninang umaga, nagsasagawa ng protesta sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at kalapit na lalawigan na sinimulan nitong nakaraang linggo.

Nanawagan ang grupo kay Marcos PBBM na buksan ang puso nito sa isyu ng usapin sa PUV Modernization Program alang-alang sa mga maliliit na jeepney driver at operators.

Sinabi ni ka Mody Floranda ang national president ng PISTON, dapat muling pag-aralan ni PBBM at DOTr ang PUVMP dahil hindi lamang ang trader at operator ang nagrereklamo kundi maging ang mga mambabatas at local manufacturer ay pumapalag sa usapin ng programa.

Sinabi pa ni Ka Mody na hindi masusupil ng DOTr at LTFRB sa mga paraang pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments