Grupong PISTON, target na punuin ang Welcome Rotonda bukas sa QC kaugnay sa ikakasang malawakang transport strike bukas

Target ng grupong PISTON at Manibela na punuin ang Welcome Rotonda sa Quezon City ng mga jeepney driver at operators kaugnay sa ng PISTON at Manibela sa ikakasang malawakang transport strike bukas, araw ng Miyerkules.

Sinabi ni PISTON National President Mody Floranda na bukod sa pagtitipon-tipon nila sa Welcome Rotonda bukas, may mga massive protest rin ang PISTON na isasagawa sa Southern Tagalog, Baguio city, Real, Region 3, Region 6, Region 7 at iba pang bahagi ng bansa.

Iginigiit ng grupo na one sided ang PUV Modernization Program.


Ayon kay Floranda, hindi basta-basta ang inilabas na resolusyon dahil ito ay pinag-aralang mabuti ng Senado subalit hindi kinilala ni Marcos dahil sa 80% na umano ang nag-comply sa PUVMP na pawang maling report ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr).

Facebook Comments