Grupong Sandugo, Iginiit Na Mpd Ang Nagsimula Ng Gulo Sa Us Embassy

10

MANILA – Iginiit ng grupong Sandugo na hindi sana mauuwi sa gulo ang ikinasa nilang kilos protesta sa harap ng US embassy nitong nakaraang linggo kung hindi naging marahas sa kanila ang Manila Police District (MPD).Sa interview ng RMN sa convenor ng grupo na si Piya Malayao, payapa nilang idinaos ang protesta pero nagsimula ang gulo nang pwersahan silang pinaaalis ng mga pulis.Hindi rin sila natitinag sa kabila ng pagsasampa ng kaso ang pulisya laban sa kanilang mga lider at kasamahan.Nanindigan din si Malayao , na hindi na kailangan ng permit para ipahayag ang kanilang ipinaglalaban.Panawagan ng sandugo, magkaroon ng hiwalay na imbestigasyon kung kanino nanggaling ang utos para gawin ang nangyaring dispersal.

Facebook Comments