Grupong SINAG, dismayado sa pag-apruba ng NEDA na tapyasan ang taripa sa mga imported ba bigas

Hindi sang-ayon ang grupo ng mga magsasaka sa pag-apruba ng National Economic and Development Authority (NEDA) na tapyasan ang taripa sa imported na bigas.

Ayon sa Samahan ng Industriya ng Agrikultura, tanging ang mga importer at trader ang makikinabang sa tariff cut.

Magbibigay-daan lang aniya ito sa mas malawak na rice importation.


Naniniwala ang grupo na hindi rin ito pakikinabangan ng mga konsyumer taliwas sa pahayag ng NEDA na bababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Ang makikinabang umano rito ay ang mga bumibili ng premium rice at hindi ang mga consumer na pumipila sa mga Kadiwa Store.

Mungkahi ng SINAG, sa halip na bawasan ang ipinapataw na taripa, palakasin na lamang ang produksyon ng bigas ng mga magsasaka para maibaba ang presyo ng bigas sa merkado.

Facebook Comments