Grupong SINAG, kumpiyansang balik sa normal sa susunod na mga linggo ang mataas na presyo ng galunggong

Wala umanong dapat ipangamba ang publiko sa ngayon ay mataas na presyo ng galunggong sa merkado.

Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, babalik din sa normal sa mga susunod na linggo ang matatag na presyo ng galunggong.

Ang nararanasan aniyang pagtaas ng presyo nito ay bunsod ng mahinang huli dahil sa epekto ng mga pumasok na bagyo sa bansa.


Sa mga susunod na linggo aniya,kapag bumalik na sa fishing ground ang naturang klase ng isda, tiyak na magmumura muli ang presyo ng itinuturing na poor man’s fish.

Hiling ng SINAG sa Department of Agriculture, magkaloob ng interbensyon sa mga mangingisda na apektado ng sitwasyon.

Gaya aniya ng fuel subsidy na ginagamit ng mga mangingisda sa pagpalaot.

Facebook Comments