Nagpahatid ng pagbati ang Samahang Industriya ng Agrikultura o Grupong SINAG, naglatag ng expectations sa bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA) kasabay ng pag-asang nawa’y magtagumpay si DA Secretary Francisco Tiu Laurel.
Umaasa ang grupo na maaaksyunan lahat ng bagong Agriculture secretary ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Partikular na tinukoy ni Jayson Cainglet, Executive Director ng SINAG ang pagpapalakas sa produksyon ng local agri-industries.
Giit ni Cainglet, bagama’t hindi farmer ang background ng itinalagang bagong kalihim, susukatin umano siya ng nasa industriya ng agriculture sa kaniyang performance.
Umaasa si Cainglet na magiging polisiya ni Laurel na gawing huling paraan ang importation at hindi bilang principal policy.
Nais din marinig ng grupo ang paninindigan ni Laurel sa isyu ng pagpapababa ng tariffs sa lahat ng agricultural commodities, bagay na mariing tinututulan ng SINAG.
Malaki aniya ang hamon na kakaharapin ng bagong kalihim, pero tiniyak ng SINAG na buo ang suporta nito kay Laurel.