Ikinatuwa ng Samahan ng Industriya Agrikultura o SINAG ang binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lokal na produksyon pa rin ang mas bibigyang halaga at patuloy ang gagawing pagtulong sa agri-sector.
Ani SINAG Chairman Rosendo So, malinaw na ito ang marching order ng pangulo sa simula pa lamang.
May payo rin ang SINAG kay Pangulong Marcos Jr., bitawan na ang paghabol sa Php20/kilo na bigas dahil hindi naman ito makakamit sa kasalukuyang sitwayson na dumoble ang presyo ng langis at tumaas ang gastos sa produksyon.
Giit ni So, walang shortcut sa problema sa agri-sector dahil bababa lang ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin kung lalakas at dadami ang local production
Bitawan na umano ng pangulo ang pakikinig sa mga economic managers sa unlimited imports at pagbaba sa taripa na lalo lamang maglulumpo sa mga magsasaka .