Tinawag na Pro-farmer ng Grupong Sinag o Samahan ng Industriya ng Agrikultura ang Rice Tarrification law dahil otomatiko itong naglalaan ng pondo para sa pagpapaunlad ng rice industry.
Sa Isang forum sa QC, sinabi ni Rosendo So, tagapangulo ng SINAG, noon kasi ay dumidiretso sa national treasury ang taripa na nakokolekta sa rice importation.
Sa ilalim aniya ng RTL, diretso na itong mailalagak sa rice competitiveness enhancement fund.
Tuwirang naman aniya itong mapapakinabangan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mga Direct Support Program
Gagamitin naman ito sa mechanization ng farming activity na magpapabilis sa kakayahan ng mga magsasaka makipag kumpitensya sa rice production.
Sinabi naman ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na mababawasan ng 5 percent ang production cost ng mga magsasaka dahil sa mechanization ng pagsasaka.
Nasa 10 billion pesos ang inaasahang malikom sa rice competetiveness enhancement fund kung saan ilang bahagi nito ay ibinigay na sa Department of Agriculture.
Asahan aniya na magreresulta ito sa pagmura ng presyo ng bigas at magpapabagal sa inflation rate