Grupong Solid Duterte Supporters, nagpahayag ng buong suporta sa lahat ng programa ni Pangulong Duterte

204

Manila, Philippines – Nagpahayag ng buong suporta ang grupong Solid Duterte Supporters sa lahat ng mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte pati na ang pagdedeklara nito ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay dating Mayor at Consultant ng SDS Benhaur Abalos napapanahon na upang suportahan nila si Pangulong Duterte sa lahat ng mga problemang ibinabato ng kritiko sa kanya.


Nanunumpa ng buong pagsuporta ang grupong Solid Duterte Supporters at gumawa sila ng manifesto para iparating sa Malakanyang ang kanilang mga pinanumpaan sa Pangulo.

Sabi ni Abalos walang masama at mayroong basehan ang pagdeklara ni Pangulong Duterte ng Martial Law dahil naaayon naman ito sa ating Saligang Batas at hindi dapat mangamba ang publiko dahil magkaiba naman ang Martial ni dating Pangulong Marcos at sa Martial ni Duterte na walang ginawang pang-aabuso ng militar sa mga sibilyan.
DZXL558

Facebook Comments