Umapila ang grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa Department of Education (DepEd) na iprayoridad ang training ng teachers at i-orient ang mga magulang bilang paghahanda sa buong sistema para sa School Year 2020-2021.
Ayon kay TDC National Chairman Benjo Basas, ang scheduled ng pagbubukas ng klase ay sa August 24, 2020, konting panahon na lamang mula sa inisyal na target nila na August 18, 2020 na matapos ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Hiniling din ng grupo na dapat mahigpit na iobserba ng DepEd ang work from home na set up sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ.
Paliwanag ni Basas na ang mga apela ng iba’t ibang health professionals sa Malakanyang na ilagay sa MECQ ang buong Metro Manila ay nagpapatunay lamang na hindi mapipigilan ang pagdami ng COVID-19 pandemic na kailangan amg kontribusyon at pakikipagtulungan ng publiko.
Nanawagan din nag TDC sa DepEd Management na manindigan sa kanilang direktiba tungkol sa DepEd Order 11, s. 2020 na ang mga guro ay dapat sa bahay na lamang magtrabaho at ang usapin ng physical o kaya on-site reporting ay gagawin na lamang ng exceptional cases.