Grupong Teachers Dignity Coalition, nakiusap sa DepEd na dapat huwag na rin pumasok ang mga guro sa mga paaralan dahil sa isyu ng COVID-19

Umapila ang grupong Teachers Dignity Coalition sa pamunuan ng Department of Education na huwag ng pahintulutang pumasok ang mga guro sa Rizal, Cavite, Batangas, Bulacan at National Capital Region dahil idineklara naman na walang pasok.

Ayon kay TDC Chairman Benjo Basas, kasunod umano ng kanselasyon ng mga kalse sa Rizal, Cavite, Batangas, Bulacan at National Capital Region dapat umano ay hindi na rin pinapapasok ang mga guro, lalo na kung ang layunin lamang ay ang maglinis o mag-disinfect ng paaralan.

Paliwanag ni Basas, kung pinoprotektahan ang mga estudyante dapat umano ay gayundin ang pagtrato sa mga guro.


Hinihiling ng TDC sa DepEd management na agarang ipaalala ito sa field officials alinsunod sa DepEd Order No. 43, s. 2012 at linawin na walang obligasyong mag-report, lalo na maglinis ang mga guro.

Giit ni Basas, mayroon din mga pamilya ang mga guro na dapat din nilang pangangalagaan.

Facebook Comments