Grupong TUCP, umapela sa gobyerno na ipagamit sa mga manggagawa ang mga sasakyang nakaparada lamang sa kani-kanilang terminal

Nanawagan ang labor group na Trade Union Congress of the Philippine (TUCP) na i-mobilize na ng gobyerno ang mga nakatenggang mga sasakyan nito at ipagamit sa mga lumulobong dami ng commuters at manggagawa na papasok sa kanilang trabaho.

Ayon kay TUCP Spokesman Alan Tanjusay, i-mobilize at ipagamit ang mga government-owned vehicles na hindi naman ginagamit upang makatulong sa mga manggagawa na ngayon ay stranded at muling naiipon sa mga terminal at jeepney stops.

Paliwanag ni Tanjusay na malaking tulong sa mga manggagawa na magamit ang government-owned vehicles na ito sa kanilang kabuhayan at makatulong na simulang muli ang ekonomiya ng bansa.


Batay sa record na Land Transportation Office (LTO), tinatayang nasa 2,000 na mga nakatenggang government vehicles ang hindi ginagamit ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, hindi pa aniya kasama ang mga sasakyan ng mga Local Government Unit (LGU).

Dapat aniyang pansamantalang ipagamit ang mga sasakyang ito sa mga stranded na mga manggagawa upang pakinabangan ng mga kababayan natin ngayong nasa pandemic crisis ang bansa.

Facebook Comments