Isinulong ni Quezon City Representative PM Vargas na mapasama sa coverage ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
Kabilang dito ang punong barangay, chairman at miyembro ng SK pati ang itatalagang treasurer, secretary, chief tanod, at admin ng barangay.
Sa inihaing House Bill 3355 o panukalang Mandatory GSIS Coverage for Barangay Officials Act ay binigyang diin ni Vargas na ito ay bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga barangay officials na may malaking ambag sa nagion-building.
Inaatasan naman ng panukala ang mga local gobernment units na bumuo ng sistema sa kung paano sila makakapaghuhulog ng kontribusyon o kung isa-subsidize sila ng mga Local Government Unit (LGU).
Facebook Comments