GSIS, mag-aalok ng emerency loan sa mga bayan na na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro

Nakatakdang mag-alok ng emergency loan ang Government Service Insurance System (GSIS) para sa government employees na naapektuhan ng nangyaring oil spill sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso na nag-alok na ang GSIS ng nasa P193.92 million in emergency loan para sa 7,714 active members nito sa Calapan City at sa bayan ng Baco San Teodoro, Naujan at Victoria.

Maaaring makakuha ang mga kwalipikadong miyembro ng aabot sa P20,000 at maaring bayaran sa loob ng tatlong taon.


Para sa iba pang mga katanungan, magtungo lamang sa website ng GSIS at sa hotline numbers nito.

Facebook Comments