Cauayan City, Isabela- Nagkaroon na ng bagong programa ang Government Service Insurance System o GSIS hinggil sa mga pension ng mga pensiyonado.
Ito ang ibinahagi ni ginang Aracelis Santos, branch ng GSIS Cauayan sa ginanap na ugnayan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan ngayong araw, April 5, 2018.
Aniya, Ito ay ang Annual Pensioners Information Revalidation o APIR na Layunin umano nito na malaman kung active pa ba o hindi na ang status ng bawat pensiyonado base sa kanilang listahan upang maiwasan ang overpayment na maaring magresulta sa problema.
Kaugnay nito ay kinakailangang magpakita o magtungo ang bawat pensiyonado sa kahit anong tanggapan ng GSIS o di kaya’y gumamit ng GSIS Wireless Automated Processing System o GWAPS Kiosk para ma-activate ang kanilang status at masiguro ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng resibo.
Ang mga Pensiyonado o miyembro ng GSIS ay maari umanong magtungo sa mga opisina ng GSIS, Provincial Capitols, City halls, Selected Municipal Offices, sa mga malalaking ahensya ng gobyerno gaya ng DepEd at Malls.
Magkakaroon din umano ng home visit sa bawat pensiyonado ng GSIS na walang kakayahang makapunta ng APIR dala ng kanilang karamdaman ay kinakailangan lamang nila umano na magpakita ng mga dokumento na na sila ay miyembro ng GSIS Pensioner.