Aprobado nangayon ng mga miembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte angisang Memorandum of Agreement (MOA) hinggil sa Financial Assistance Loan IIProgram ng Government Service Insurance System (GSIS), Dipolog City Branch parasa mga opisyal at kawani ng probinsya sa ginawang sesyon kamakailan.
Si Zamboangadel Norte Board Member Venus A. Uy bilang chairman ng Committee on Finance andAppropriations ang nagpasa ng resolusyon na nagbibigay pahintulot kay Gov.Roberto Y. Uy na pumirma sa naturang kasunduan sa pagitan ni Engr. Leoncito S.Manuel, Branch Manager ng GSIS Dipolog.
Inihayag niManuel, ang GSIS Financial Assistance Loan II ang nangungunang programa ngayonsa ahensya na tutulong sa mga opisyal at kawani ng probinsya na matanggal sautang sa iba’t ibang lending institutions na sobrang taas ng interest rate sapamamagitan ng “buy-out” at “top-up” scheme na ino-offer ng kompanya samababang interest rate.
Aniya, angGSIS ay magpapahiram ng maximum amount na P500,000.00 na babayran sa loob ng 6na taon sa mababa lamang na interes. -30- (M . L)