Kasunod ng nararanasan nating krisis dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Iniulat ng Government Service Insurance System (GSIS) na umaabot na sa ₱4B ang pondo na kanilang nailabas para sa kanilang mga miyembro na nag-avail ng emergency loan.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni GSIS President Rolando Macasaet na ang nasabing emergency loan ay pwedeng ma-avail ng mga GSIS members hanggang Hulyo.
Inanunsyo rin ni Macasaet, mula sa ₱20,000 napagkasunduan ng GSIS Board of Trustees na iakyat sa ₱40,000 ang maaaring utangin ng kanilang mga miyembro.
Paliwanag nito, ‘yong mga miyembro nila na nakapag-avail na ng ₱20,000 emergency loan dahil sa pagputok ng Bulkang Taal noong Enero ay maari muling makapag-loan ng karagdagang ₱20,000 kahit na hindi pa nila tapos bayaran ang nauna nilang loan.
Layunin aniya nitong tulungan ang ating mga kababayan lalo na ngayong nararanasan natin ang hirap na dala ng COVID-19.