GSW, posibleng maiuwi muli ang kampeonato sa NBA?

Malaki ang kumpiyansa ng isang basketball coach na makakaabante ang Golden State Warriors kontra Toronto Raptors sa kanilang paghaharap sa NBA finals.

Ayon kay coach Alex Niebres, advantage ng grupo ng Golden State Warriors ang lahat ng star players ng team.

Powerhouse pa rin ang koponan sa back to back na labanan na pinangungunahan ni best player Stephen Curry, Kevin Durant at Demarcus Cousins.

Aniya, pinagpipilian na ngayon ng mga basketball fans at sports analysts sina Leonard, Durant at Curry bilang most valuable player (MVP) ng season.

Sa Biyernes, Mayo 31 maghaharap ang dalawang koponan.

Facebook Comments