GUARANTEE LETTER MULA SA DSWD, MAAARI NG IBILI SA PILING MGA BOTIKA

Cauayan City – Maaari ng gamitin sa pagbili ng gamot ang guarantee letter na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development sa mga benipesyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situations simula November 4, 2024.

Sa inilabas na anunsyo ng DSWD Region 2, maaaring gamitin ang guarantee letter sa pagbili ng gamot sa mga piling branches ng Mercury Drugs sa buong Rehiyon Dos.

Sa lalawigan ng Isabela, kabilang sa mga branch ng Mercury Drug Store na maaaring puntahan ay ang branch na matatagpuan sa Brgy. San Fermin Maharlika Highway, Cauayan City, Rizal St. Centro, Cauayan City, Northstar Mall Ilagan City Branch, Poblacion Branch Tumauini, Ugad Branch sa bayan ng Cabagan, Xentro Mall Branch sa bayan ng Roxas, at Xentro Mall Branch Santiago City, at Maharlika Highway Malvar Branch, Santiago City.


Kailangan lamang dalhin ng mga AICS Beneficiaries ang kanilang DSWD-Issued Guarantee letter at magtungo sa mga nabanggit na Branch ng Mercury Drugs upang mabili ang gamot na kanilang kailangan.

Facebook Comments