Guardiang nang hostage gusto lamang humingi ng sorry ang kanyang apat na opisyal sa Vira Mall Greehills San Juan City

Nais lamang ngisang guardiang nang hostage sa mahigit 20 mga personnels ng ddmin sa loob ng Vira Mall Greenhills San Juan an humingi sa kanya ng tawad ang apat na mga opisyal kabilang ang nabaril nito tiyan na si Ronald Deleta ang supervisor ng Sascor Security Agency.

Si Archie Paray, 41 anyos, guardia ng Sascor Security Agency ay nagsimulang mang hostage kaninang pasado alas11 ng umaga matapos na siyay tanggalin sa trabaho dahil sa nag Absent Without Leave (AWOL) umano ang naturang guardia.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora hindi umanong kumpirmado kung mayroong bitbit na granada at kalibre 45 baril ang naturang hostage taker kung saan nagpaputok ng dalawang beses na ikinasugat ng kanyang supervisor na si Beleta.


Nais ni Paray na humingi ng sorry sa harapan ng Media ang apat niyang mga opisyal dahil sa ginagawa itong pagtanggal sa kanya ng walang mabigat na kadahilan.

Pinagbawalan ang Media partikular ang mga TV reporter na maglive dahil nakikita ng suspek ang lahat ng mga galaw sa ibaba ng naturang mall.

Facebook Comments