Guevarra, inindorso sa SC associate justice post ng 1 dating mahistrado ng Sandiganbayan

Inindorso ng isang retired Sandiganbayan Justice si Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra para sa Supreme Court (SC) associate justice post.

Ito ay matapos na magkaroon ng bakanteng puwesto sa sc makataang mahirang si CJ Diosdado Peralta.

Lumiham sa Judicial and Bar Council si retired Sandiganbayan Justice at dating Chief Presidential Legal Counsel Raoul Victorino para i-endorso si Guevarra.


Sinabi ni Victorino na panahon na para mailuklok si guevarra sa kataas taasang hukuman dahil subok na ang kakatahan ,integridad at pagiging patas nito.

Tinukoy din ni Victorino ang magandang track record ng kalihim sa government service lalo na at ito ay naging 2nd honor sa Ateneo college of law at 2nd placer sa 1985 bar examinations.

Si Secretary Guevarra ay 65 years old at siya ay mula  sa Malhacan, Meycauayan, Bulacan.

Samantala, tumanggi muna si Guevarra na magkomento bagamat pinasalamat nito si Victorino sa pagti-tiwala sa kanyang kakayahan.

Facebook Comments