GUGULONG NA | Absolute Divorce Bill, lusot na sa committee level ng Kamara

Manila, Philippines – Lusot na sa House Committee on Population and Family Relations ang consolidated version ng absolute divorce at dissolution of marriage bill.

Ginamit na grounds dito ang mga kasalukuyan ng basehan sa ilalim ng batas para sa legal separation at annulment o nullification of marriage.

Kabilang dito ang pambubugbog, pagpilit sa asawa na magpalit ng relihiyon at political affiliation, alcoholism, drug addiction, anim na taong pagkakulong at pagkalulong sa sugal.


Tatanggapin na ring ground para sa diborsyo kung limang taon nang hiwalay ang mag-asawa.

Ang isang petitioner ay ituturing na indigent kapag mas mababa sa 5 million ang halaga ng ari-arian nito.

Kapag pasok na indigent ang isang petitioner, ililibre ito sa serbisyo ng court appointed lawyer, social worker, psychiatrist at psychologist at libre din ang filing fee.

Magkakaroon din ng summary proceeding para mas mapabilis ang proseso ng divorce kahit wala pang isang taon.

Sa alimony o sustento, nagtakda ng option ang komite na pwede itong bayaran ng one-time payment o periodic payment depende sa kasunduan at kakayahan ng magkabilang panig.

Facebook Comments