Manila, Philippines – Posibleng isalang na sa susunod na linggo sa plenaryo ang absolute divorce and dissolution of marriage bill.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, pangunahing may-akda ng dissolution of marriage sa kamara, aayusin na lamang ang mga amendments ng consolidated bills at pagkatapos ay ikakalendaryo na ito para pagdebatehan sa susunod na linggo.
Nauna dito ay sinabi ni Alvarez na target nilang aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala bago ang Holy Week break ng kongreso sa Marso.
Kampante naman si Alvarez na maipapasa ang diborsyo sa bansa dahil ito ay long overdue nang panukala.
Tinanggal naman sa grounds ng divorce and dissolution of marriage ang chronic unhappiness pero gagamitin pa rin na grounds ang mga nasa ilalim ng annulment at nullification of marriage.
Idinagdag naman sa grounds ang chronic gambling at kung limang taon nang hiwalay ang mag-asawa.