Manila, Philippines – Napunta sa 13th Division ng Court of Appeals ang petition for review na inihain ng online site na Rappler laban sa naging desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa pagkansela ng kanilang Certificate of Incorporation.
Si Justice Rafael Santos Jr. ang naatasang magresolba sa petisyon habang tatayo namang chairman si Justice Apolinario Bruselas at si Justice Socorro Inting naman ang tatayong senior member.
Matatandaang sa desisyon ng SEC, lumabag sa batas ang Rappler hinggil sa pagbabawal sa mga dayuhan na mag may-ari ng media entity.
Pero giit ng Rappler, ang desisyon ng SEC noong January 11, 2018 ay isang uri ng pag-atake sa press freedom.
Facebook Comments