GUGULUHIN? | Pagpapatuloy ng peace talks, pinangangambahang masabotahe

Manila, Philippines – Nagbabala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa posibilidad na isabotahe ang planong pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Pinag-iingat ni Zarate ang dalawang panig sa maaaring gawin ng mga peace spoilers para hindi matuloy ang naudlot na peace talks.

Sinabi ni Zarate na guarded optimism ang kanilang paiiralin sa utos ng pangulo na ituloy ang peace talks dahil may mga tao sa gobyerno na pwedeng sumabotahe dito.


Maituturing aniyang crucial ang oportunidad na ito kaya huwag hayaang masira ang pagkakataon na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Nanawagan din si Zarate kay Pangulong Duterte na rendahan ang AFP at PNP officials na magiging sagabal sa peace talks.

Facebook Comments