Guia Gomez-Castro, itinangging siya ang drug queen  

Mariing itinanggi ng binansagang drug queen na si Guia Gomez-Castro na sangkot siya sa ilegal na droga.

Sa pamamagitan ng kanyang mga kaanak, ipinaabot ni Castro ang kanyang galit at pagkadismaya.

Ayon kay Castro, hindi niya alam kung saan galing ang mga alegasyon at hindi niya kilala ang mga sinasabing ninja cop na pinagkukunan niya ng droga,


Kahit ano pa ang gawing niyang pagdepensa ay hindi siya paniniwalaan ng mga taong hinusgahan na siya.

Dagdag pa niya, sa panahon ngayon ay hindi na nabibigyan ng pagkakataon na dumipensa sa sarili at basta na lamang nababaril ang isang tao.

Mas pipiliin na lamang niyang manahimik kapalit ng kaligtasan niya at kanyang pamilya.

Iginiit naman ni PDEA Director General Aaron Aquino, hindi na talaga madedepensahan ni Castro ang kanyang sarili dahil lahat ng mga nakalap na impormasyon ay kumpirmado.

Matatandaang si Aquino ang nagsiwalat ng mga impormasyon tungkol sa ‘drug queen.’

Facebook Comments