Guia Gomez-Castro, namamahagi ng SUV sa mga kakuntyabang tiwaling pulis

Hindi bababa sa anim na pulis ang sinasahuran ng suspected drug queen na si Guia Gomez-Castro.

Pagbubunyag pa ni PDEA Director General Aaron Aquino – binibigyan din niya ang mga ito ng brand new sports utility vehicle o SUV bilang bonus sa kanilang ilegal na aktibidad.

Ayon pa sa PDEA chief, naging bilyonaryo si Castro dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga na galing sa mga tiwaling pulis.


Dati nang naaresto si Castro noong 2001 dahil sa possession ng isang kilo ng shabu, subalit nabasura ang kanyang kaso dahil sa malakas na impluwensya at koneksyon sa mga pulis at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno.

Una nang itinanggi ni Castro ang mga paratang laban sa kanya.

Facebook Comments