Nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Immigration (BI) sa US government para sa pagtugis sa tinaguriang drug queen na si dating Barangay Chairman Guia Gomez Castro.
Ito ay kasunod ng pagkakansela ng US government sa US visa ni Castro.
Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar – kasama ni Castro ang kaniyang mister na si Dennis at kapatid nitong pulis nang lumapag sa Los Angeles, California noong Setyembre 26.
Aniya, ang kapatid ni Castro na si Florencio ay tumutugma sa drug matrix ng NCRPO kung saan ito rin ang nag-recruit ng mga ninja cops.
Si Castro, kapatid na si Florencio Gomez at asawang si Dennis Castro, ay kasama sa inilabas na drug matrix ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Facebook Comments