Guiao, kumpiyansang kayang makipagsabayan ng napili niyang 12 man line-up sa FIBA Qualifiers

55

Kumpiyansa si coach Yeng Guiao na kayang makipagsabayan ng napili nilang 12-man line-up ng team Pilipinas na sasabak sa huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay Guiao, sapat ang height at bilis ng mga nakuha nilang players na haharap sa Qatar sa Pebrero 21 at Kazakhstan sa Pebrero 24.

Ilan sa mga babandera sa National team ay sina naturalized player Andray Blatche, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Mark Barroca, Troy Rosario, Jayson Castro, Gabe Norwood, Poy Erram, Paul Lee, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter at Thirdy Ravena.

Sinabi ni coach Yeng na ang pagkakasama ni Ravena sa line-up ay bunsod na din pagkakaroon ng injury ni Raymond Almazan.

Dahil dito, si Ravena ang kauna-unahang collegiate player na maglalaro sa team Pilipinas sa isang FIBA tournament.

Facebook Comments