GUIDE | Standard module tungkol sa federalism, bubuoin ng gobyerno

Manila, Philippines – Bubuo ang gobyerno ng standard module tungkol sa federalism.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layunin nitong gabayan ang mga opisyal sa pagbibigay ng wastong impormasyon sa publiko tungkol sa isinusulong na bagong porma ng gobyerno.

Sinabi ni Roque, na magkakaroon muna ng pagsasanay ang unang grupo ng mga opisyal tungkol sa pederalismo bago sila i-deploy para turuan at imulat ang publiko hinggil sa inisyatibo.


Nabatid na paiigtingin ng gobyerno ang public information campaign tungkol sa federalism sa pamamagitan ng pagbuo ng task force na pangungunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Facebook Comments