Guideline Sa Pagbabantay Sa Seguridad Ng Afp At Pnp Sa Eleksyon, Pinirmahan Na Kasama Ang Commission On Elections

10

MANILA – Pinirmahan na ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines kasama ang Commission on Elections ang AFP-PNP Joint Operational Guidelines na gagamitin para sa pambansang halalan sa Mayo 9.Pinangunahan nina AFP Chief Gen. Hernando Iriberri, PNP Chief Dir. Gen Ricardo Marquez at Comelec Commissioner Louie Guia ang pagpirma sa Joint Letter Directive 01-2016.Ayon kay Marquez, hindi nila papayagan ang mga masasamang loob na sirain ang pagkasagrado ng balota.Aniya, simula pa lang ng election period ay naging alerto na ang hanay ng mga pulis.Ayon kay Iriberri, pipilitin naman ng AFP na mapababa ng election-related violence at sisiguruhin ang pagkakaroon ng safe at credible elections.

Facebook Comments