GUIDELINES AT PROTOCOL SA MAAARING PAGBABALIK NG BANGUS FESTIVAL, KAILANGANG ISAALANG-ALANG NGAYONG NEW NORMAL AYON SA HEALTH AUTHORITIES

Patuloy na binabalangkas sa lungsod ng Dagupan ang mga guidelines and protocols sa inaasahang muling pagbabalik ng Bangus Festival sa gitna ng pandemya buhat ng pansamantalang pagkansela nito ng dalawang taon dahil sa COVID 19 Surge.
Sinabi ni OIC City Health Officer at Vaccination Team Leader Dr. Dalvie Casilang, bagama’t nasasabik na ang publiko sa inaasahang pagbabalik ng Bangus Festival kasabay ng paglalabas ng isang teaser program ng pamahalaang lungsod ay kinakailangang masiguro ang kaligtasan ng publiko mula sa banta ng virus.
Kasabay naman ito ng pagsasagawa ng iba’t ibang programa at pagdiriwang sa iba pang mga lokalidad.

Iginiit naman nito na kaya na umano ng lungsod na isagawa ang iba’t ibang programa dito kung hindi umano maaari ang maging kampante at padalos dalos dahil sa nasa gitna parin ng pandemya.
Samantala, ang pagsasagawa naman ng pinaka aabangan na ‘Kalutan Ed Dalan’ na isa sa highlight ng kapistahan ay kinakailangan parin umano ang patnubay at konkretong plano mula sa alkalde ng lungsod at ng iba’t ibang concerned agencies.
Pahayag  ni OIC City Health Officer at Vaccination Team Leader Dr. Dalvie Casilang.
Facebook Comments