Manila, Philippines – Base sa Philippine National Standards for Drinking Water 2017 na inilungsad ng Department of Health, upang maitayak na ligtas ang inuming tubig, dapat ay nasunod ang pitong guidelines na nakapaloob dito.
Kabilang dito ang:
Pagsusuri ng kalidad ng tubig;
Water sampling at eksaminasyon nito;
Maayos na distribution ng inuming tubig;
Pag-e-evaluate sa resulta;
Classification of quality parameters; Quality assurance/quality control para sa mga water laboratories;
At Water safety plan (WSP) at surveillance ng kalidad ng tubig.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang kalalabas lang na Philippine National Standard for Drinking Water 2017 ay mapplicable at dapat na sinusunod ng lahat ng drinking water service provider, mapa-gobyerno man o private body upang matiyak na malinis na tubig ang naiinom ng mga Pilipino.