Manila, Philippines – Magsisimula na sa susunod na buwan ang pagpapadala ng Filipino language teachers sa China.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, hinihintay na lamang nila na maisapinal ang guidelines para sa government-to-government hiring scheme.
Habang tinatapos pa ang guidelines, sinabi ni Bello na ang mga interesado ay maari pang magsumite ng kanilang applications sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Nagbabala ang kalihim sa mga aplikante na huwag magpapahulog sa mga lumalabas na kaparehas na alok mula sa recruitment agencies.
Halos 2,000 Pilipinong guro ang kanilangan sa programa.
Tinatayang aabot sa ₱74,200 hanggang ₱84,400 ang matatanggap na sahod.
Facebook Comments