Guidelines kaugnay sa pagbabakuna laban sa COVID-19, dapat tiyaking nasusunod

Umapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa pamahalaan partikular sa mga namamahala sa pagbili ng bakuna na sumunod sa mga guidelines para hindi maantala ang pagdating ng mga anti-COVID-19 vaccine sa bansa.

Mensahe ito ni Go, kasunod ng balitang nagbabala ang World Health Organization (WHO) na posibleng ma-jeopardize ang pagdating ng mga bakuna sa Pilipinas dahil sa pamumulitika ng ilang mga taong-gobyerno.

Ayon kay Go, dapat sumunod ang mga opisyal sa alituntunin para wala nang aberya sa pagdating ng mga bakuna kung saan maliban sa 487,200 doses ng AstraZeneca na dumating kagabi ay nangako rin ang WHO ng dagdag na 5.9 million doses ng AstraZeneca.


Aniya hindi na kakayanin pang magkaroon ng mga delay sa pagdating ng mga bakuna at sa vaccination program.

Paliwanag pa ng senador, sa bawat araw na nasasayang at naaantala ang pagbabakuna ay mayroong kababayan tayong nagbubuwis ng buhay dahil sa virus.

Facebook Comments