Guidelines ng Bilateral Ceasefire, sisikaping mailatag ng Peace Panel ng gobyerno at ng NDF sa susunod na round ng peace talk

Manila, Philippines – Sisikapin ng Peace Panel ng Government Republic of the Philippines at National Democratic Front na mailatag ang guidelines ng Bilateral Ceasefire sa susunod na round na usapang pangkapayapaan sa Europe ngayong katapusan ng buwan ng Mayo.

Ito ang tiniyak ni Presidentail Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza upang matuldukan na ang giyera sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at mga miyembro ng CPP NPA-NDF.

Aminado si Dureza na wala silang magagawa ngayon sa mga bakbakang nagaganap sa pagitan ng mga militar at komunistang grupo sa mga kanayunan dahil wala namang umiiral na Bilateral Ceasefire.


Paliwanag ng kalihim, kung siya lamang ang masusunod, agad magpirmahan sa mga guidelines ng Bilateral Ceasefire upang matigil na ang mga putukan at mga pag-atake ng magkabilang grupo.

Umapela din si Dureza sa publiko na suportahan ang kasalukuyang usapang pangkapayapaan na ginagawa ngayon sa pagitan ng pamahalaan at mga komunistang grupo.

DZXL558

Facebook Comments