Inilatag ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang mga guidelines ng mga kwalipikadong makakatanggap ng P500.00.
Ito’y sa ilalim ng City Ordinance No. 8565 kung saan ang nasabing halaga ay matatanggap ng mga senior citizen kada buwan.
Kinakailangan lamang na ang senior citizen ay maipakita o mapatunayang residente siya ng Maynila at dapat din na isa sila sa mga registered voters ng lungsod.
Bukod dito, ang lahat ng mga matatanda na nasa masterlist ng Office of the Senior Citizens Affairs o OSCA ay otomatiko nang makakakuha ng cash assistance.
Nakahanda din ang lokal na pamahalaan na alalayan at gabayan ang mga nagnanais na magpasa ng kani-kanilang mga requirements.
Nagpasalamat naman ang lahat ng samahan ng mga senior citizens sa Maynila dahil kahit papaano ay makakatulong daw ito sa kanilang mga gastusin.