Ngayong tanghali na posibleng ianunsiyo ang guidelines para sa Alert Level System na ipatutupad sa Metro Manila simula sa Huwebes, Setyembre 16.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing, nasa kamay na ng health department ng bawat lungsod ang pagrerekomenda kung isasailalim sa granular lockdown ang isang lugar.
Kasunod nito, sinabi pa ni Densing na sinisilip na rin ang posibilidad na magkaroon ng tinatawag na vaccination bubble dito sa Metro Manila.
Sa ilalim niyan, kinakailangang magpresinta ng vaccination cards ang mga fully vaccinated individuals habang negative result ng Antigen o RT-PCR test ang ipapakita ng mga hindi pa nababakunahan.
Facebook Comments