Guidelines para sa limited face-to-face classes, aprubado na ng CHED at DOH

Inaprubahan na ng CHED at Department of Health (DOH) ang guidelines para sa gradual reopening ng mga kolehiyo at unibersidad para sa limited face-to-face classes.

Sina CHED Chairperson Prospero de Vera III at Health Secretary Francisco Duque III ay inaprubahan ang joint memorandum circular na nagpapahintulot sa Higher Education Institutions (HEIs) na gawin nag limited in-person classes ngayong pandemya.

Nakasaad sa circular na bagamat mas ligtas gawin ang flexible learning, may ilang sitwasyon na kailangan ng face-to-face delivery sa ilang courses.


Prayoridad sa reopening ang ilang piling health related degree programs, kabilang ang medicine, nursing, medical technology o medical laboratory science, physical therapy, midwifery at public health.

Tanging ang mga estudyanteng may edad 20-anyos at pataas ang naka-enroll sa priority degree programs at courses ang papayagan sa limited face-to-face classes.

Ang mga estudyante na lalahok sa face-to-face classes ay dapat nakarehistro sa kanilang health facilities na may PhilHealth o kaparehas na health insurance na sakop ang medical expenses na may kinalaman sa COVID-19.

Paglilinaw ng CHED at DOH na hindi mandatory ang limited face-to-face classes.

Ang mga higher education institutions ay dapat magpatupad ng polisiya para sa minimum health standards alinsunod sa pamantayan ng DOH.

Facebook Comments