Guidelines para sa medical allowance sa mga empleyado ng gobyerno, inaprubahan ng DBM

Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) and Budget Circular Number 2024-6 na guidelines, rules at regulations para sa pamamahagi ng medical allowance sa mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno ngayong 2025.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang mga kwalipikadong tauhan ng gobyerno ay makatatanggap ng hindi hihigit sa ₱7,000 na medical allowance kada taon, na maaaring magamit para sa HMO-type na mga benepisyo para sa health-related expenses.

Sakop ng circular ang lahat ng civilian personnel sa national government, kabilang ang State Universities and Colleges (SUCs), government-owned and controlled corporation (GOCCs) na hindi saklaw ng RA 10149 at EO 150 series of 2021, anuman ang kanilang appointment o employment status.


Sakop din nito ang mga kawani ng local government unit (LGU) at local water districts.

Nilinaw rin ng DBM na maaaring i-convert ang allowance sa cash para magamit ng mga empleyado sa pag-avail, pagbabayad, o pag-renew ng kanilang kasalukuyang HMO-type benefit pati ang pagbabayad ng kanilang medical expenses.

Hindi naman kasama sa nasabing katusan ang mga tauhan ng gobyerno na job order at contract of service.

Facebook Comments